Pork Binagoongan Fried Rice

Okoy Shokoy


We asthmatics have one thing in common, we are all allergic to prawns and shrimps!

Buti na lang hindi umaatake ang allergy ko sa bagoong na alamang. Isa pa naman sa mga favorite ko ang binagoongang baboy. Sarap! Tsaka gusto ko ng alamang sa pinakbet, sa ensaladang kamatis, talong at siyempre what is kare-kare without alamang di ba?

Matapang ako kaya kumain ako ng okoy kanina kahit alam kong sa okoy lang talaga sumisige allergy ko.

After 3 hours, ayon! Sumakit tiyan ko. Malapit na akong mapa-banyo. Medyo sumisikip paghinga ko pero keribells lang. Parang kumakati ang mukha ko at mga singit-singit ko pero parang imagination ko lang yata ito o dahil di pa kasi ako naliligo kaya nagsisipagkatihan ang buong katawan ko? haha!

FYI:
Okoy/ Ukoy is a native Filipino food made with shrimps and a medley of grated or julienned vegetables, ranging from papaya, bean sprouts, squash, carrots, onion to cassava. Pulled together by an egg-based batter, deep fried into crispy patties and served with a spicy vinegar dip.

*Credits to Ate Gemz for the picture ;)


Comments